-- Advertisements --

Makalipas ang ilang linggo, isinumite na ng Office of the Court Administrator ng Korte Suprema ang kanilang rekomendasyon sa kahilingan ng Department of Justice na ilipat ang dalawang kaso ni Kingdom of Jesus Christ leader pastor Apollo Quiboloy mula sa Davao patungo sa korte sa Metro Manila.

Si Quiboloy ay kasalukuyang nahaharap sa dalawang kaso na may kinalaman sa sexual abuse at child abuse sa Davao City RTC.

Ang mga kasong ito ay may kinalaman naman sa kasong qualified human trafficking na kinakaharap ng pastor sa Pasig City Regional Trial Court.

Hindi naman idenetalye pa ng SC kung ano ang nilalaman ng naturang rekomendasyon.

Ayon kay SC spokesperson Camille Ting, confidential ang nilalaman nito kaya hindi muna pwedeng isapubliko.

Ito rin aniya ay isang division case at nakatakdang i-raffle sa mga magistradong binubuo ng mga dibisyon.