-- Advertisements --
image 50

Pormal nang isinulong sa plenaryo ng senado ang rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee Report No. 3 may kinalaman sa rekomendasyon na kasuhan ang mga nasa likod ng tinaguriang sugar importation fiasco.

una nang inirekomenda ng komite sa Office of the Ombudsman ang paghahain ng kaso laban sa suspended Agriculture officials na sina Leocadio Sebastian, ang nag-resign na si Sugar Regulatory Administration chief Hermenegildo Serafica at ang mga dating Board Members na sina Roland Beltran at Aurelio Valderrama.

Ayon sa Senate committe ang apat na mga dating opisyal ay dapat masisi sa iskandalo dahil sa “serious dishonesty, grave misconduct, gross neglect of duty, conduct prejudicial to the best interest of the service, and gross insubordination under the revised rules on administrative cases in the civil service.”

Nagpaliwanag naman ang chairman ng senate Blue Ribbon Committee na si senator na ang 75-page na commitee report ay may intensiyon na maprotektahan ang interes ng “800,000” sugar farmers.

Kung maalala hinarang ng pangulong marcos ang Sugar order number 4 sa pagsasabing hindi raw aprubahado ang pagtatangka sanang pag-aangkat ng nasa 300,000 metric tons ng asukal.