-- Advertisements --

Inaantay pa sa ngayon ng pamahalaan ang magiging rekomendasyon mula sa Department of Health (DOH) kung mananatili o hindi ang polisiya sa pagsusuot ng face mask sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ginawa ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang naturang pahayag matapos na mag-isyu ng isang executive order ang alkalde ng Cebu kung saan non-obligatory na ang pagsusuot ng face masks sa open spaces ng lungsod.

Ayon kay Angeles, nirerespeto ng pamahalaan ang mandato ng local chief executives sa kani-kanilang hurisdiksyon subalit sa ngayon ay wala pang komento ang Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa nasabing siyu.

Maglalabas naman ng statement ang pamahalaan matapos ang pagdinig sa magiging rekomendasyon ng DOH sa face mask policy.