Inihain ngayong araw (ika-14 ng Nobyembre) ng abogadong si Atty. Eldrige Marvin Aceron ang ilang reklamong administratibo at kriminal laban kay Senator Chiz Escudero sa Office of the Ombudsman.
Pasado alas-dyis ng umaga nang kanyang ihain ang mga reklamong may kinalaman umano sa maling paggamit ng pondo at korapsyon ng senador noong siya’y gobernador pa lamang ng Sorsogon.
Partikular na kanyang inirereklamo ang senador sa umano’y paglabag nito sa RA 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Technical Malversation, Frauds Against Public Treasury, at Falsification of Public Documents.
Bukod kay Sen. Escudero, kabilang rin sa inirereklamo ng abogado ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee, Provincial Accountants, Provincial Treasurer at iba pang opsiyal sa lalawigan ng Sorsogon.
Ayon kay Atty. Eldrige Marvin Aceron, ang reklamo ay bunga ng kanyang pananaliksik sa inilabas na Commission on Audit Annual Audit report ng Sorsogon noong 2021.
Dahil rito’y kanyang ibinahagi o ipinaliwanag ang mga reklamong inahain sa Ombudsman laban kay Senador Chiz Escudero.
Giit niya’y posibleng aabot sa higit 352-milyon Piso ang halaga ng kanyang nakitaan ng umano’y korapsyon o sistematikong iregularidad at maling paggamit sa pondi ng Sorsogon noong gobernador pa ang ang mambabatas.
Samantala, sa pagtatanong naman ng Bombi Radyo kay Atty. Aceron kung bakit ngayon lang inihain ang reklamo kahit pa taon 2021 pa ang audit report, aniya’y ito ang pinakamadaling maisampa.
Giit niya’y bagamat sinuri din niya ang mga ulat noong taong 2022, at 2023, ang 2021 Annual Audit Report ng Commissions on Audit anv maituturing na ‘pinaka-low hanging fruit’.
Sa kabila nito’y maaalalang nitong nakaraan lamang din ay inihain naman ni Atty. Marvin Aceron ang ‘ethics complaint’ sa Senado laban sa mambabatas.
Kaugnay ang naturang reklamo na pagtanggap ni Sen. Escudero ng 30 million pesos campaign donation noong 202w mula sa isang nagmamay-ari ng cinstruction firm nakakuha ng proyekto sa Bicol.
















