-- Advertisements --

Umakyat na sa 47,000 ang mga natanggap na reklamo ng Energy Regulatory Commission (ERC) laban sa mga power distribution utilities kasama na ang Meralco

Sinabi ni ERC chairperson Agnes Devanadera, nag-commit na ang Meralco na aayusin at itatama ang nagkamali nilang kwenta sa singil nila sa consumers.

Ayon kay Devanadera, nangako na rin ang presidente ng Meralco Rey Espinosa na gagawa sila ng corrective measures na nararapat.

Inihayag ni Devanadera na ipinasosoli rin nila ang mga sobrang naibayad ng customers at ngayon ay sinisimulan na itong kwentahin ng Meralco.

Inaayos na rin umano ng Meralco ang online payment system at hindi na sisingilin ang P47 na bayarin para rito.