Sinimulan na ang rehabilitation at modernization ng ilang airports sa bansa, ayon sa Department of Transportation.
Layunin umano ng DOTr na maging world-class at mas mapabuti ang air connectivity at mobility ng Philippine archipelago.
Kaya naman, ang Kagawaran, kasama ang mga kaakibat na ahensya nito, ang Civil Aviation Authority of the Philippines of the Philippines (CAAP), Manila International Airport Authority (MIAA), at Mactan Cebu International Airport Authority (MCIAA), ay nakatuon sa pagtatayo ng mga bagong gateway at modernisasyon ng mga naitayo na.
Ngayon, inilunsad na ang rehabilitasyon at modernisasyon ng iba’t ibang paliparan, tulad ng modernisasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), improvements sa Clark International Airport (CRK), at land development para sa pagtatayo ng New Manila International Paliparan sa Bulacan.
Samantala, isinasagawa rin ang mga improvement project sa mga paliparan sa Bohol-Panglao, Zamboanga, General Santos, Virac, Puerto Princesa, Ormoc, Calbayog, Dumaguete, Catarman, Butuan at Camiguin.