DAVAO CITY – Nagpalabas ng kautusan si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga local health authorities na magsagawa ng regular “surveillance swabbing” sa mga high-risk areas ng lungsod para madagdagan ang bilang ng mga test ng 1,000 bawat araw.
Una ng pinayuhan ni Mayor Sara ang publiko na mag-“self-monitor” para sa posibleng sintomas at senyales ng influenza-like illness gaya ng ubo ang lagnat.
Nanawagan din ito sa publiko na agad sumailalim sa test ng coronavirus disease (COVID-19) kung makaranas ng kahit na anumang sintomas.
Nag-aalok rin ngayon ang lokal na pamahalaan ng libreng swab test.
Kailangan din umanong itaas ng mga health authorities ang bilang nga test sa bawat araw, na kasalukuyang nasa 400 at 600 tests at dapat gawing 1,000 para malaman ang mga indibidwal na nagpositibo ng covid-19 sa komunidad.