Naniniwala si Finance Secretary Benjamin Diokno na ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay makakapagbigay ng mas pinahusay na kalakan, mapapalakas ang business environment at makakapang-engganyo ng mas maraming pamumuhunan at makakapaglikha ng mga trabaho at masusuportahan ang post-pandemic recovery.
Naniniwala si Finance Secretary Benjamin Diokno na ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay makakapagbigay ng mas pinahusay na kalakan, mapapalakas ang business environment at makakapang-engganyo ng mas maraming pamumuhunan at makakapaglikha ng mga trabaho at masusuportahan ang post-pandemic recovery.Aniya, ang mga manufacturer ay magkakaroon ng mas malawak na sources ng raw materials habang ang mga skilled Filipino professionals at mga negosyo a konstriksiyon, engineering at banking services ay magkakaroon ng preferential treatment para masanay ang kanilang propesyon sa mga kalahok na nasyon.
Magugunita na nito lamang Martes ay inaprubahan ng Senado ang isang resolution para sa ratipikasyon ng RCEP kung saan nasa 20 mga Senador ang bumoto ng pabor sa naturang panukala.
Sinabi din ng Finance chief na ang mas malalim na economic integration sa mga member states ng Regional Comprehensive Economic Partnership ay magpapalawig sa market access ng bansa para sa mga bilihin at serbisyo.
Ayon pa sa DOF na ang Regional Comprehensive Economic Partnership ay ang pinakamalaking regional free trade agreement sa buong mundo na binubuo ng 30% populasyon ng mundo, 29% ng gross domestic product, 29% ng trade at 33% ng global inward investments noong 2020.