Isinagawa sa kauna-unahang pagkakataon ang regional assembly at election of officers ng Alpha Phi Omega-Philippines Incorporated- Administrative Region of Asia (APO-ARA).

Naganap ito nitong Marso 3, 2019 sa Sky Garden, Singyip, Kwan Tung Hong Kong na pinangunahan ni Bro. Jerry Marcelo ang kasalukuyang Regional Director.

May tema ng okasyon na “Converging the Strands for LFS, Intensifying the APO Spirit”.

Dinaluhan ito ng siyam na bansa gaya ng : APO-Tokyo, APO-Taiwan, APO-Singapore, APO-Macao, APO-Nijon, APO Korea, APO-Thailand, APO-Brunie Darussalam, APO-Korea at APO-Hongkong bilang host country ng development year 2017-2019.

Naging panauhing pandangal si National President ng APO-Philippines Bro. Roel “Daboy” Fernandez.

Sa kaniyang talumpati, masayang ipinamalita nito na ang APO-Philippines ay kinikilala ng International Council of Alpha Phi Omega (ICAPO) sa Estados Unidos.

Napili naman ang mga bagong halal na Regional Director ng APO-ARA sa DY 2019-2021 si Brod Adeo “Dhing” Silang mula sa APO-Hong Kong at Bro. Michael Anastacio mula sa APO-Singapore bilang Deputy Regional Director.

Matapos ang maiksing programa ay nagkaroon ng fellowship bilang bahagi ng 69th Founding Anniversary ng APO Philippines.

Sinusulong pa rin ng APO ang kanilang sinumpaan na pagtulong sa kapwa tao na tinatawag nilang Service to Humanity saan man dako ng mundo.