-- Advertisements --
image 215

Iginiit ng Hepe ng Police Regional Office 8 na hindi nila kukunsintihin ang maling pag-uugali sa mga tauhan nito. Kasabay nito ang pagtiyak niya nang patas na imbestigasyon sa insidente sa Pastrana, Leyte nitong Biyernes kung saan sangkot ang ilang awtoridad at local journalists.

Sinabi ni Police BGen. Vincent Calanoga ang pahayag matapos ipahayag ni Leyte Police Provincial Office officer-in-charge Lt. Col. Ricky Reli ang relief sa puwesto ng dalawang pulis na sina SSg Rhea May Baleos at asawa nitong si PSSg Ver Baleos na nakatalaga sa Pastrana, habang isinasagawa ang pagsisiyasat.

“We are dedicated to resolving this matter promptly. We will not tolerate any form of misconduct within our ranks,” ani Calanoga.

“We likewise urge witnesses to come forward and shed light on the incident for a swift and fair result of the investigation.”

Nauna nang iniulat na tatlong mamamahayag ng San Juanico TV – Lito Bagunas, Noel Sianosa, at Ted Tomas – ang nakikipanayam sa mga farmer-beneficiaries ng isang programa sa reporma sa lupa sa Barangay Jones sa Pastrana nang sinabihan sila ni Baleos, na umalis sa lugar.

“Baleos reportedly grabbed Sianosa’s cellphone while the latter was taking videos, and pushed him away. A few minutes later, the three journalists heard gunshots,” ayon sa NUJP.

Sinabi ni Tomas na nakita niya ang mga pulis na naka-uniporme na nagpaputok ng baril, ayon sa NUJP. “Wag kayong magpapaputok. Mga media kami.”

Giit ng Leyte provincial police na batay sa inisyal na imbestigasyon, isang palayan na napapailalim sa alitan sa lupa ay isinangla sa Baleos mula noong 2017.

Bukod sa relief, inutusan din ang mag-asawang Baleos na isuko ang kanilang mga service firearms at sumailalim sa gunpowder residue examination.

“We are still investigating the said incident and rest assured that we will not be biased with our investigation. And if proven that our personnel have truly committed all the accusations, our Office will not tolerate such misconduct,” ani Reli.