TUGUEGARAO CITY- Kinumpirma ng Department of Health na nadagdagan ng isa pa ang Patient Under Investigation o PUI sa novel coronavirus sa Region 2.

Sinabi ni Pauline Atal ng DOH Region 2 na dahil dito, dalawa na ang PUI ng nCov sa rehion.

Ayon kay Atal ang isang nadagdag ay isang OFW, 34, na dumating sa bansa noong January 17 at nakitaan siya ng symptoms ng nCov.

Noong January 29 ay sinundo siya ng mga kinauukulan sa kanilang bahay sa Delfiun Albano at dinala sa isolation sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City.

Kaugnay nito, sinabi ni Atal na bumubuti na umano ang kalagayan ng naunang PUI sa nasa isolation room sa Cagayan Valley Medical Center.

-- Advertisement --