-- Advertisements --

Nagwagi ang Region 10 sa esport competition ng nagpapatuloy na Palarong Pambansa na ginaganap a lungsod ng Marikina.

Ito ang unang pagkakataon na ginanap na Mobile Legends: Bang Bang – esports games na ginanap sa Teatro Marikina mula Hulyo 29 hanggang 30.

Tinawag naman ng Philippine Esports Organization na ito ay “history in the making” para sa esports community sa bansa.

Pinasalamatan ng grupo ang Marikina City government at Department of Education para sa nasabing matagumpay na sporting events.