-- Advertisements --

LA UNION – Umaabot na ngayon sa 587 ang naitalang kaso ng Covid 19 sa buong Region 1.

Mula sa nasabing bilang, 373 dito ang recoveries at 23 na ang namatay sa virus.

Nangunguna ang lalawigan ng Pangasinan sa may pinakamaraming naitalang kaso na umabot na sa 273; pangalawa ang La Union (186); Ilocos Sur (56); Ilocos Norte (33); at Dagupan City (39).

Samantala, 57 ang nananatiling naka admit sa mga pagamutan; 57 ang naka home quarantine habang 77 ang nasa mga Isolation Facilities.