Ginulat ni Regine Tolentino ang kaniyang mga kaibigan at social media followers matapos na ito ay nagsilang.

Ipinanganak ng 39-anyos na actress ang ikatlong anak na pinangalanang Rosie.

Sa kaniyang social media post, isinilang nito ang anak noon pang Marso 17, 2020.

Agad namang binati ito ng kaniyang mga malalapit na kaibigan sa showbiz.

Hiwalay na ito sa dating asawa na si Lander Vera Perez at may dalawang anak na ito na sina Reigne at Reigen.

Kasalukuyan itong may relasyon sa isang director at photographer na si Dondi Narciso.