Hindi umano intensyon ni Regine Velasquez na makasakit ng kapwa nito kaugnay sa “insenstive comment” niya sa kanyang bagong vlog tungkol sa Payatas.
Ayon sa “Asia’s Songbird,” natutunan niya na dapat ay maging maingat ito sa mga binibitawang salita.
“I would like to sincerely apologize to the people of Payatas for my insensitive comment. It was not intentional and I should be more careful with the things I say. Pasensya na po God bless bless po :)” saad ng 49-year-old singer/actress.
Una rito, umani ng batikos ang misis ni Ogie Alcasid nitong Huwebes dahil sa kanyang vlog post sa YouTube kasama ang anak na si Nate.
Dito ay ibinahagi ni Regine ang isa sa kanyang luxury bag collection kung saan ikinompara niya ang hindi kaaya-ayang amoy sa Payatas, na dating mayroong garbage dumpsites.
Taong 2017 nang tuluyang ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources ang Payatas landfill.
Ang naturang bag din pala ang ginamit niya noong bumisita siya sa Payatas para sa isang documentary patungkol sa street children.
“Kasi kapag nasa Payatas ka na, hindi mo na maamoy yung basura, e. Kasi kayo, pare-pareho na kayo ng amoy dun. This is the bag I was wearing, so after the whole shooting, akala ko nasa Payatas pa rin ako. Yun pala yung bag ko yung mabaho. Mas mabaho pa siya sa Payatas,” ani Velasquez.