Nakatutok ngayon ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa tatlong ahensya ng pamahalaan dahil pinaka-notoryus sa red tape.Sinabi ni ARTA director general Jeremiah Belgica, Food and Drugs Administration (FDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Registration Authority (LRA).
Ayon kay Belgica, sa unang 100 araw ng ARTA, nakita nila ang matinding red tape incidents sa tatlong ahensyang ito.Binigyan na raw nila ng sapat na panahon ang tatlong ahensyang ito na ayusin ang kanilang sistema, pero hanggang ngayon ay bigo ang mga ito.
Inihayag ni Nelgica na sa kaso ng FDA, inabutan nilang tambak ang mga dokumentong nakatengga rito at patuloy pang nagsasagawa ng reporma sa kanilang sistema.
Sa LTFRB naman ay nadatnan nila ito sa kainitan ng isyu noon ng TNVS.
Humingi umano sa kanila ang LTFRB ng ayuda para mapabilis ang proseso ng mga nilalakad na dokumento rito.Tambak ding mga dokumento ang problema sa LRA kaya kinakalampag nila ang pamunuan ng tanggapan para mag-convert na sa electronic titling para mapadali ang proseso.