MANILA – Kung si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto raw ang tatanungin, maituturing na “blessing in disguise” ang pagkahuli ng Pilipinas na makabili ng bakuna laban sa COVID-19.

Pahayag ito ng mambabatas sa gitna ng mga datos na inire-report ng iba’t-ibang bansa tungkol sa bakuna.

Sa isang panayam sinabi ni Recto na tinatayanh 60-million doses na ng COVID-19 vaccine ang naipamahagi sa buong mundo.

“This could be a blessing in disguise. Now there is more data, nakita na natin ang rollout,” sagot ng senador sa interview ng DZBB.

Para kay Recto, malaking tulong ang mga impormasyong inuulat ng ibang bansa para malaman ng pamahalaan kung alin ang epektibo at ligtas sa mga Pilipino.

Kamakailan nang sabihin ni vaccine czar na 148-million doses ng bakuna ang target iturok ng pamahalaan ngayong taon. Para raw ito sa hanggang 70-million na Pilipino.