-- Advertisements --
Nanatiling pangunahing pinagtutuunan ng pansin pa rin ni Finance chief Ralph Recto ang inflation sa bansa.
Sinabi nito na bilang miyembro na rin ng monetary board ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay magpupulong muna sila para pag-aralan ang direction ng policy rates.
Noong Disyembre kasi ay bumalik sa 3.9 percent ang inflation target pero ang average inflation ng 2023 ay nanatili sa 6 percent na mas mataas ng 2 percent sa 4 percent target ng BSP.
Nais ng BSP na mapanatili sa 6.5 percent ang inflation sa bansa.










