-- Advertisements --

Ligal na sa bansang Germany ang paggamit ng Cannabis, hindi lamang bilang gamot kundi maging panglibangan din. 

Sa kabila ng pagkontra ng oposisyon at medical associations, ang Germany na ang pinakamalaking bansa sa European Union na ginawang ligal ang recreational cannabis. 

Sa naturang batas, ang mga edad 18 pataas ay maaari ng magdala ng 25 grams ng dried cannabis. Pupwede na rin silang magtanim ng hanggang sa tatlong halaman ng marijuana. 

Ayon sa German government, ang pagsasaligal nito ay upang maiwasan na ang lumalaking black market ng cannabis. 

Subalit kontra naman dito ang mga health group dahil maaari umano itong maabuso ng mga kabataan kung saan may kaakibat din na health risk.

Malaki raw ang tiyansa nitong maapektuhan ang pag-develop ng central nervous system na maaaring magdulot ng psychosis at schizophrenia.