Nagpapatuloy pa rin ang reclamation projects sa Manila Bay dalawang buwan matapos ianunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensiyon nito ng lahat ng reclamation sa lugar.
Ito ang ibinunyag ng grupo ng mga mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) matapos masaksihan ang dredging vessel na malapitang dumaan sa kanilang bangka sa may Cavite noong nakalipas na Sabado ng gabi.
Ayon sa grupo, nagsasagawa ng seabed quarrying sa Cavite ang dredging vessel para makumpleo ang ilang dump-and-fill projects sa Manila Bay partikular na para sa reclamation project sa Bulacan.
Ang patuloy aniya na dredging operations ay patunay na pagkukunwari lamang ang suspension order ng Pangulo lalao na’t walang ibinabang official executive order.
Dahil dito, patuloy din aniya na nakakaapekto ang dredging operations sa kabuhayan ng mga mangingisdana nagreresulta sa paghina ng kanilang kinikita ng 80% sa bawat fishing operation.
Kung matatandaan, inanunsiyo ni PBBM ang suspensiyon ng lahat ng 22 reclamation projects sa Manila Bay ilang araw maapos na magpahayag ng pagkabahala ang US embassy na may kinalaman ang reclamation sa China communications na blacklisted sa Washinton mula 2020 dahil sa pagtulong nito sa Chinese military na magtayo ng mmilitarize artificial islands sa pinagtatalunang karagatan.