-- Advertisements --
Pormal ng binuksan sa publiko ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang rebolto ni St. Padre Pio.
Isinabay ang pagbubukas nito sa kapiyestahan ng santo nitong Setyembre 23.
Matatagpuan ang nasabing rebolto sa Parish and National Shrine of Saint Padre Pio.
Nagsagawa ng misa ang local government para sa santo na kilala sa kaniyang kawanggawa at kabanalan.
Magugunitang noong 2018 ng dumating sa National Shrine of St. Padre Pio sa Santo Tomas ang incorrupt heart ni Padre Pio of Pietrelcina bago ito kinuha ng Capunchin Monastery.
Ang Capunchins kasi ay mga Franciscan Order kung saan galing si St. Padre Pio.
Noong Setyembre 23, 1968 ng pumanaw si Padre Pio at iprinoklama siya bilang Santo ni Pope John Paul II noong Hunyo 2002.