-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Education o DepEd na inaprubahan ng Civil Service Commission ang renewal ng provisional appointments ng mga guro sa Senior High School para sa School Year 2022 – 2023.

Nakasaad sa resolusyon ng CSC na may petsang Agosto 18, 2022, pinapayagan ang muling pagtatalaga ng SHS provisional teachers na unang tinanggap noong 2016 at 2017 sa kondisyong may maipakikita na patunay ang mga guro na sila ay kumuha ng licensure exam kahit isang pagkakataon lang sa nakalipas na limang taon.

Pinayagan din ng CSC ang extension ng appointment ng isa pang taon matapos ihirit ng DepEd na makakuha ng licensure exam ang mga gruong kinuha nOong 2016 kasama rin ang mga natanggap noong 2017.

Magugunitang, nakatakda namang ilabas nt DepEd ang kanilang guidelines ng naturang resolusyon para ilatag ang mga partikular na tuntunin at pamamaraan sa pagsunod sa mga kondisyon na nakasaad dito.