-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagsagawa ng reenactment ang National Bureau of Investigation 11 sa labas ng isang bar sa lungsod ng Davao kung saan binaril-patay ang 19-anyos at Grade 9 student na si Amierkhan Mangacop.

Sinabi ng abogado ng pamilyang Mangacop na si Atty. Andrew Cabahug, ito ang tugon ng NBI sa kahilingan ng pamilya ng biktima.

Hindi umanon naniniwala ang pamilya ni Mangacop na taga Cotabato City sa rason ng suspek na si Dr. Marvin Pepino, isang PNP non-uniformed personnel at doktor sa PRO-XI, na self defense lamang ang ginawa nito.

Ibinunyag ni Cabahug na may mga witnesses na syang magpapatunay sa nangyari ngunit hindi umano kinuha ang kanilang salaysay ng San Pedro PNP.

Di umano may tatlong mga witnesses na magbibigay sana ng pahayag sa PNP tungkol sa nangyari ngunit naging suspek pa sila sa pangbubugbog kay Dr. Pepino.

Dagdag pa ni Atty. Cabahug , parang naging biktima ang suspek na si Pepino kung saan binugbog umano ito ng tatlong tao.

Pinanindigan ni Atty. Cabahug na kailangang mag focus sana ang investigation sa pagbaril-patay ni Pepino kay Amierkhan.

Dagdag pa nito na makikita sa mga CCTV at cellphone videos na hindi kasali si Mangacop sa nangyaring riot na kinasasangkutan ni Dr. Pepino at iba pang indibidwal sa bar.

Pinagtataka din ng abogado kung bakit hindi napigilan ng mga police na naka-standby sa labas ng bar ang ginawa ni Dr. Pepino.