-- Advertisements --

Nais ni President-elect Ferdinand Marcos Jr na dapat na muling suriin ang ratipikasyon ng partisipasyon ng bansa sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

Layunin nito ay upang matiyak na hindi nito babawasan ang competitiveness ng mga lokal na magsasaka at sektor ng agrikultura.

Hindi pa naratipikahan ng Pilipinas ang kanilang partisipasyon sa RCEP, na isang free trade deal sa 10 miyembro ng ASEAN gayundin ng Australia, China, Japan, South Korea at New Zealand.

Ang kasunduan sa malayang kalakalan ay magbibigay-daan sa mas maraming produktong pang-agrikultura mula sa ibang mga bansa na makapasok sa Pilipinas na walang mga taripa.

Sinabi ni Marcos na habang sinusuportahan niya ang kalakalan ngunit mayroon pa rin siyang isyu sa RCEP.

Nangako ang papasok na punong ehekutibo na “palakasin” ang sektor ng agrikultura at palakasin ang seguridad sa pagkain.

Aniya, kritikal ang supply ng pagkain, lalo na sa panahon ng krisis.