Pumanaw na ang kilalang R&B singer na si Betty Wright sa edad 66.

Kinumpirma ito ng kaniyang pamangkin na babae subalit hindi na nito binanggit ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Betty Wright
Betty Wright/ Twitter Image

Unang sumikat ang singer sa kantang “Clean Up Woman” noong 1971 ng siya ay 18-anyos pa lamang.

Mas lalong sumikat ito noong dekada 80 sa paglunsad nito ng sariling independent label na hindi pa nagagawa ng isang female artist.

Dito rin niya ginawa ang kantang “No Pain (No Gain)” at “Mother Wit” na naging gold label kung saan ito rin ang unang beses na isang African-American female singer na naging gold sa sarili nitong label.

Naging inspirasyon siya ng ibang singer ngayon gaya nina Mary J. Blige, The Roots at Joss Stone.