-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Inilulunsad sa Baguio City ang Rat Catching Challenge na bahagi ng kampanya para mapanatili ang kalinisan sa city public market kasabay ng nagpapatuloy na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon dahil sa COVID-19.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Baguio, tatagal ang Rat Catching Challenge sa loob ng isang buwan at ito ay para sa mga vendors sa bawat section ng public market.

Makakatanggap ng P20,000 ang market section na makakahuli ng pinakamaraming bilang ng daga habang makakatanggap ng P10,000 ang papangalawa.

Kahapon ay binisita ni Mayor Benjamin Magalong ang city public market kung saan ipinag-utos niya ang paglalagay ng isang mouse trap para sa bawat dalawang vendor.

Ayon sa kanya, ang kalinisan ang isa sa mga susi para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Priority concern aniya ay ang presensya ng mga daga sa wet market tuwing gabi na dapat na agad maaksiyonan sa pamamagitan ng rat control program sa merkado publiko ng lungsod.