-- Advertisements --

Sinibak ng Toronto Raptors ang kanilang head coach na si Nick Nurse.

Ayon sa koponan na labis silang nadismaya sa mahinang performance ng koponan ngayong season.

Umabot ng 10 season na naging coach si Nurse sa Raptors.

Siya ang naging susi ng makuha ng Raptors ang kanilang kauna-unahang NBA title noong 2019 at dito ay nakuha niya ang coach of the year noong 2020.

Ayon kay Raptors president Masai Ujiri na naging mahirap ang desisyon nila lalo na ang paghihiwalay nila ng landas ng kanlang coach.

Pagtutuunan na nila ngayong ng pansin ang pagpapabuti ng kanilang performance para maging malakas sa mga susunod nilang laban.