-- Advertisements --
Humingi ng paumanhin ang rapper na si 50 cents matapos na gawing katatawan ang larawan ng legendary singer na si Madonna.
Ikinumpara kasi ng US rapper ang isa sa larawan ni Madonna sa kontrabida ng pelikulang “The Wizard of Oz”.
Matapos na malaman ng pop singer ito ay nagpost siya sa kaniyang Instagram na kasama si 50 cents at sinabing nagkukunwaring kaibigan lamang siya nito.
Dagdag pa ng “Papa Don’t Preach” singer na tila naiingit ang rapper dahil sa hindi ito gaanong naging masaya noong kabataan pa niya kaya ito ay nag- “sour-grape” lamang.
Sa kaniyang Twitter ay labis ang pagsisi ng rapper o Curtis Jackson sa tunay na buhay at sinabing wala itong intention na saktan ang damdamin ng beteranang singer.