Patay matapos pagbabarilin ang rapper na si Lil Marlo sa edad 30.

Ayon sa mga kapulisan sa Atlanta, unang naiulat sa kanila na may naganap na aksidente sa Interstate 285 sa downtown Atlanta.

Subalit pagdating sa lugar ay nakita nila ang biktima na wala ng buhay.

Sa imbestigasyon na pinagbabaril ang biktima habang ito ay nagmamaneho ng kaniyang sasakyan.

Inaalam na rin ng mga otoridad ang motibo ng nasabing pamamaril.

Ilan sa mga pinasikat na kanta nito ay ang “1st N 3rd,” “F****em” at “9 + Z6ne = 1’5.”