DAVAO CITY – Negatibo ang resulta ng rapid diagnostic test ng mahigit 200 na nasa Badjao community sa Barangay 23-C Davao City.
Sabay na isinagawa ng Department of Social Welfare and Development Region 11 (DSWD-11) ang pay out ng social amelioration program (SAP) at ang rapid diagnostic test ng city health 0ffice sa 212 na mga Badjao ng naturang barangay.
Sinadya umano ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Davao ang pagsasagawa ng test sa pamimigay ng P6,000 ng SAP para mahikayat at pumayag ang mga residenteng Badjao na makunan ng dugo.
Isa ang Barangay 23-C sa isinailalim sa very high risk classification barangay sa Davao City matapos magtala ng maraming kaso ng Coronavirus diseas 2019 (COVID-19).
Sa naturang barangay din nagmula ang tumakas na COVID-19 positive patient mula sa quarantine facility noong nakaraang linggo na si Arina Hajiba.
Samantala isinailalim rin sa rapid diagnostric test ang apat na mga personahe ng DSWD na nagsagawa ng pay out sa SAP at negatibo rin ang resulta ng mga ito.