ROXAS CITY – Balik kulungan ang isang rape convict matapos nanggahasa ng 16-anyos sa bayan ng Sapian, Capiz.

Kinilala ang suspek na si Joel Garcia 31-anyos ng nasabing bayan.

Nangyari ang insedente taong 2008 matapos inutusan ng suspek ang menor de edad na bumili ng sigarilyo.

Nang ibinigay ng pamangkin ng sigarilyo sa suspek ay bigla nitong dinala sa comfort room (CR) ang bata at ginahasa.

Kaagad na sinampahan ng kaso ang suspek at nakulong, ngunit matapos ang walong taong pagkakakulong ay nakalabas ito sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ilang buwan pa lamang mula ng makalabas ito ng bilangguan ng muling nanggahasa si Garcia ng dalagitang nakilala sa sayawan.

Dahil dito ay sinampahan ito ng kasong rape ng pamilya ng biktima at kasalukuyang nakakulong na sa BJMP Mambusao District jail.