-- Advertisements --
NAGA CITY- Arestado ang isang lalaki na nahaharap sa patung-patong na kaso ng rape sa San Jose, Camarines Sur.
Kinilala ang akusado na si Hadjie Ortiz, 38-anyos, residente ng Sitio Dahug, Barangay Calalahan, sa nasambitan ng banwaan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na naaresto si Ortiz sa bisa ng warrant of arrest para sa kinakaharap nitong anim na bilang ng kasong rape.
Nabatid na ikinukonsidera bilang na Rank Number 5 Municipal Most Wanted Person si Ortiz.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.









