-- Advertisements --
Nagwakas na ang kampaya ng ranked number 2 na Belgium sa FIFA World Cup 2022 ng matapos sa scoreless draw ang laban nila ng ranked number 12 na Croatia.
Sa simula ng laban ng Group F stage game ay naging mainit ang ipinatupad ng depensa ng magkabilang koponan sa laban na ginanap sa Ahmad Bin Al Stadium.
Hindi naisakatuparan ng 2018 FIFA World Cup third runner-up na Belgium ang kanilang plano para makuha ng panalo para makapasok sa last 16.
Sa nasabing group match kasi ay mayroong panalo ang Belgium sa tatlong laban.
Nasa pangalawang puwesto na kasi ang Croatia na mayroong 5 points habang ang Belgium ay mayroong 4 points lamang.