Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Luie Guia na hanggang sa Huwebes na lamang ang ginagawang Random Manual Audit ng Komisyon at ng Legal Network for Truthful Elections (Lente) Philippines.

Sinabi ni Guia na 635 na clustered precincts na ang kabuuang na-audit nila mula sa 715 selected clustered precincts.

Ito ay mula naman sa 246 legislative districts sa buong bansa.

Kabilang sa tumutulong sa random Man Al audit ang mga voluteers mula sa Department of Education (DepEd), Philippine Statistics Authority (PSA), Comelec at Lente Philippines na binubuo ng mga abogado at paralegals.