Reading Time: 1 minute

Pormal nang ginawaran ngayong araw ang mga recipient ng prestihiyosong Ramon Magsaysay Awards 2019 na ginanap sa Main Theater Cultural Center of the Philippines, Pasay City.

Hindi naman ito pinalampas ni dating presidente Fidel V. Ramos na isa sa dumalo upang masaksihan ang natatanging kaganapan.

Bawat isa ay tumanggap ng medalyon kung saan naka-ukit dito ang mukha ni former President Ramon Magsaysay na nasawi noong March 17, 1957 matapos bumagsak ang sinasakyan nitong eroplano.

Ilan sa pinarangalan ng Ramon Magsaysay Awards ngayong taon ay sina o Swe Win, isang editor mula Myanmar, Indian Journalist na si Ravish Kumar, nurse mula Thailand na si Angkhana Neelapaijit, Kim Jong-Ki mula South Korea at national artist for music, Mr. Ryan Cayabyab.

Layunin ng award na ito na bigyang pugay ang ilang indibidwal na binubuwis ang kanilang oras upang tumulong na unti-unting baguhin ang buhay ng pangkalahatan.

Panauhing pandangal din dito si vice president Leni Robredo.