-- Advertisements --

Opisyal na inanunsiyo ni NBA star Rajon Rondo ang kaniyang pagreretiro sa NBA.

Sinabi ni 38-anyos na point guard na tapos na ito sa paglalaro ng basketball.

Nais niyang magkaroon ng maraming oras para sa mga anak.

Huling naglaro ang four-time All-Star at two-time NBA champion na si Rondo noong 2021-2022 season sa Los Angeles Lakers at sa Cleveland Cavaliers.

Nanguna si Rondo sa steals per game noong 2009-2010 at assists per game noong 2011-12, 2012-12 at 2015-16.

Kabilang siya ng magkampeon ang Boston Celtics noong 2007-2008 at Lakers noong 2019-20.

May average points ito na 9.8, asissts na 7.9, rebounds na 4.5 at 1.6 na steals.

Naglaro ito sa iba’t-ibang team gaya sa Celtics, Dallas Mavericks, Sacramento Kings, Chicago Bulls, New Orleans Pelicans, Lakers, Atlanta Hawks, Los Angeles Clippers at Cavaliers.