Inisyuhan ng National Bureau of Investigation o NBI ng subpoena si CJ Hirro, isa sa mga anchor ng online media network nadawit sa isyu ng pangingikil.
Kinumpirma mismo ni Dir. Atty. Melvin Matibag ang pag-isyu nito; kung kaya’t nararapat na humarap sa tanggapan si Hirro sa kawanihan sa Lunes, ika-11 ng Mayo.
Nauna nang sinabi ng direktor na itinuturing nila bilang ‘person of interest’ si CJ Hirro dahil sa pagkakasama nito sa complaint affidavit.
May kinalaman ang ‘subpoena’ matapos maaresto ang founder ng online media network na si Franco Mabanta nang mangikil umano kay former House Speaker Martin Romualdez.
Ito nama’y kanilang pinabulaanan habang binigyang diin ng kawanihan na ang kanilang pagkilos ay nakabatay o nakabase sa ebidensyang nakalap.













