Nagpa-iral ang Pagasa ng yellow rainfall alert sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao, habang papalapit sa lupa ang binabantayang low pressure area (LPA).

Kabilang sa mga nakaranas ng malakas na buhos ng ulan ang Leyte, Biliran, Samar, Eastern Samar at Southern Leyte sa Visayasa.

Habang inulan din ang Dinagat Island, Davao de Oro, Zamboanga del Norte, Zamboanga City at Sulu.

Huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 30 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Inaasahang bukas ay lalakas pa ang LPA at magiging isa nang ganap na bagyo.