-- Advertisements --

Tinambakan ng Rain or Shine ang NLEX 117-93 sa PBA On Tour na ginanap sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kapwa nagtala ng 22-points sina Rey Nambatac at Anton Asistio habang mayrong 10 points si Jewel Ponferada.

Nasayang naman ang nagawang 22 points, tatlong rebounds ni Bong Galanza ng NLEX.
Sa unang lar ay tinambakan din ng Converge ang Terrafirma 119-82.

Bumida sa panalo ng Converge si Justin Arana na nagtala ng 24 points, 12 rebounds, tatlong assists at isang steal.