-- Advertisements --
Pinahiya ng Rain or Shine Elasto Painters ang Terrafirma 106-94 PBA Commissioner’s Cup.
Bumida sa panalo ng Painters ang kanilang import na si Steve Taylor nagtala ng 20 points, 24 rebounds tatlong assists at tatlong blocks.
Habang mayroong tig-12 points sina Beau Belga at Andrei Caracut at 17 points naman si Gian Mamuyac.
Dahil dito ay wala pang panalo ang Dyip na may tatlong talo habang ang Rain or Shine ay mayroong dalawang panalo at isang talo.