Binuhat ni Rain or Shine import Denzel Bowles ang koponan para talunin ang Columbian 88-86 sa kanilang overtime game sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Nagtala ng 29 points, 14 rebounds at 10 assists si Bowles habang mayroong 10 points si Rey nambatac.

Naging malaking hamon para kay Bowles ang laro dahil may dinaramdam itong sakit.

Natuwa naman si Elasto Painters coach Caloy Garcia na hindi hindi naging hadlang ang dinaramdam ni Bowles.