Nalusutan Rain or Shine Elasto Painteer ang Terrafirma Dyip 120-118 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Naging malaking hamon para sa Rain or Shine ang laban dahil sa kawalan ng kanilang import na si Greg Smith II.
Naging susi sa panalo ng RoS ang pumasok na layup ni Santi Santillan.
Sa loob kasi ng 0.7 seconds ng last quarter ay nakuha nito ang assists mula kay Rey Nambatac.
Mayroon ng dalawang panalo at apat na talo ang Painters habang mayroong dalawang panalo at apat na talo naman ang Terrafirma.
Hindi pa kasi nabigyan ng clearance ng FIBA si Smith na makapaglaro.
Ikinatuwa naman ni coach Yeng Guiao ang pag-level up ng laro ng ilang mga players na sina Santillan, Andrei Caracut at ang beteranong si Gabe Norwood.