-- Advertisements --

Buhay pa ang pag-asa ng Rain or Shine Elastopainters na makapasok sa playoffs ng 2022 PBA Philippine Cup matapos talunin ang Blackwater Bossings 107-90.

Naging epektibo ang ipinaganang depensa ni Rey Nambatac na nagtala ng 26 points habang ang rookie guard na si Gian Mamuyac ay nagtala ng 20 points, limang rebounds, tatlong assists at dalawang steals.

Mula sa simula ng laro ay hindi na pinalamang pa ng Rain or Shine ang Bossings.

Ito ang pangalawang sunod na panalo ng Elasto Painters na ngayon ay mayroon na silang record na tatlong panalo at anim na talo.

Habang ito na rin ang pangalawang sunod na pagkatalo ng Bossings na mayroon ng ngayong limang panalo at talong talo sa conference.