-- Advertisements --
Natagpuan na ng mga otoridad sa Western Australia ang maliit na radioactive capsule na nawawala noon pang nakaraang buwan.
Nabunutan ng tinik ang emergency service matapos tuluyang makita ang 6 mm (0.24 inches) sa diameter at may habang 8mm.
Nakita ang nasabing capsule sa gilid ng kalsada.
Naglalaman ang nasabing capsule ng Caesium-137 na magdudulot ng matinding skin damage, sunog o radiation.
Ginagamit ito sa density guage sa mining industry.
Magugunitang nawala ang nasabing kapsula na pag-aari ng mining giant na Rio Tinto habang ito ay nasa biyahe.
Agad na inilagay sa lead container ang nasabing capsule para maging ligtas ito.










