-- Advertisements --

Pinuri ng race officials ang makabagong safety systems ng Formula One racing matapos ang pagkakaligtas kay Romain Grosjean ng bumangga at nasunog ang sasakyan nito sa opening lap ng Bahrain Grand Prix.

Nagtulong-tulong kasi ang safety and official medical car driver Alan van der Merwe ilang segundo matapos ang insidente.

Kasama nito si chief medical officier Dr. Ian Roberts habang inaapula ang sunog.

Sinabi ni Van der Merwe na isang nakakagulat ang pangyayari at ngayon lamang sila nakakita ng ganung insidente.

Kuwento ng 34-anyos na si Grosjean na nawalan ito ng kontrol sa sasakyan hanggang tuluyan ng bumangga sa mga barriers.

Pinasalamatan nito ang mga marshals na tumulong para agarang maaapula ang apoy.