-- Advertisements --
Personal na humingi nang paumanhin si Rabiya Mateo sa kapwa nitong Miss Universe 2020 contestant Miss Thailand Amanda Obdam at Nova Stevens ng Canada.
Kasunod ito sa natatanggap nilang “hateful comments” mula sa ilang mga Filipino.
Sinabi ni Rabiya na labis siyang nalungkot dahil sa nasabing pangyayari.
Naranasan na rin aniya nitong ma-bash.
Iginiit nito na hindi niya kinokonsinti ang nasabing mga pambu-bully at pambaba-bash sa kapwa niya kandidata.
Magugunitang sa kaniyang Instagram ay nag-share ng larawan si Stevens tungkol sa mga nakukuha nitong negatibong komento mula sa iba’t ibang Pinoy fans ng beauty pageant.