RKELLY
R.KELLY/ IG POST

Posibleng makulong muli ang singer na si R. Kelly dahil sa bigong pagbabayad ng child support.

Ang nasabing singer ay hindi nakapagbayad ng dalawang buwang child support payment sa dati nitong asawa na si Drea Kelly.

-- Advertisement --

Ayon kasi sa kasunduan ay pinagbabayad ito ng $20,833 kada buwan ang singer.

Magugunitang nakulong na ang singer noong Marso dahil sa bigong pagbabayad ng ilang buwang child support na umabot ng hanggang $161,633.

Matapos ang paglaya nito ay umapela siya sa korte na kung maaari ay bawasan ang nasabing babayaran.