-- Advertisements --
Hinatulang makulong ng 30 taon si R&B singer R. Kelly dahil sa federal racketeering at sex trafficking.
Unang humiling ang mga prosecutors sa judges na mahatulan siya ng mahigit 25 taon na pagkakakulong.
Binasa ni US District Court Judge Ann Donnelly ang nasabing hatol kung saan nahawak kamay ang mga biktima.
Bago ang nasabing paghatol ay dininig ng korte ang mga pahayag ng mga biktima ni Kelly kabilang ang dalawang Jane Doe.