Hinimok ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang economic managers na maging “objective” sa kanilang assessment sa mga panukalang batas para sa ikatlong economic stimulus package sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ang dapat aniyang gawin ng mga economic managers bago pa man sabihin na wala nang pera ang bansa para pondohan ang Bayanihan 3 bills.

-- Advertisement --

Iginiit ni Quimbo na noong inihain nila ang unang tranche ng Bayanihan 3 bills ay hindi pa naman pumapalo sa 9.5 percent ang contraction sa gross domestic product ng bansa.

“Pero ngayon it’s official 9.5% ang contraction, sana po they take a second look at this Bayanihan 3 and to objectively assess lahat po ng datos na pumapasok, particularly na po job losses, business closures,” dagdag pa nito.

Kasabay nito ay umaasa si Quimbo na masertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan 3 bills.

Bukod kay Quimbo, naghain din ng isa pang panukala si Speaker Lord Allan Velasco para sa ikatlong Bayanihan 3.

Aabot sa P420 billion ang halaga ng interventions na nakapaloob sa panukalang batas na ito.