-- Advertisements --

Idineklara nga ng Quezon City Local Government ang Dengue Outbreak dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng sakit sa lungsod.

Sa tala ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, mula noong buwan ng Enero ngayong taon ay umabot na sa sampu ang namatay dahil sa dengue at walo rito ay mga menor-de-edad.

Nakapagtala naman na ng 1,769 na kabuuang bilang ng dengue cases sa lungsod.

Kaugnay nito, ipinatawag ng Pamahalaang Lungsod ang 142 na barangay captains upang talakayin ang magiging mga hakbang sa bawat komunidad upang agapan ang pagtaas ng sakit na dengue.

Isa sa mga napag-usapan sa pulong ay ang pagsasagawa ng clean-up drives, mosquito fogging, at paghihingkayat sa publiko na linisin ang kanilang kabahayan upang hindi na pamugaran ng mga lamok.

Samantala, sa naging panayam ng 102.7 Star FM Manila kay Dr. Gregory Ian Opeña, nagbigay ito ng mga paalala sa lahat kung paano mas magiging ligtas at maaagapan ang sakit na dengue.